Tuesday, March 10, 2015

Walang masamang chocolate

          Life is unfair, but it is sweet. Parang chocolate na originally, mapait talaga pero dahil sa mga ingredients na hinalo dito, nagiging matamis. Ngayon anong mas masarap? asukal na purong tamis? o tsokolate'ng magkahalong pait at tamis?
          Malamang tinatanong nyo kung ano na namang pinaglalaban ko, wala. Wala kasing masamang chocolate.

          Andaming reklamo. Puro na lang reklamo. Bakit ganito, bakit ganyan. Bakit hindi madali ang buhay? Bakit masungit ang boss mo? Bakit matraffic sa EDSA? Bakit maraming kurakot sa gobyerno? Bakit ubos na naman ang toothpaste mo? Bukod sa lagi'ng umuulan ng laway, nakakadagdag pa sa noise pollution. Nakakasawa nang marinig sa araw-araw ang mga reklamo'ng minsan, wala na ring sense. Magreklamo kayo sa barangay! Pero kung iisipin kong mabuti, diba't pagrereklamo din tong ginagawa ko? Bakit inaaway ko yung mga taong ginawang hobby sa buhay ang magreklamo? Exactly. Ganun nga yun. Di perpekto ang buhay. Kailanman, di tayo makakalasap  ng contentment habang nandito pa tayo sa mundo'ng to. Marami pa ring kulang. Maraming pangangailangan, basic man yan o luxury na lang, na hahanapan natin ng paraan para mapunan. O kung hindi man, isisisi natin sa ibang tao ang kasalanan. Hanep! hugas-kamay, punas-laway.
           Ang nangyayari, kapag kasi hindi nasusunod ang gusto natin, kung umasta tayo parang katapusan na ng mundo. Bumagal lang yung internet, FU agad? Uulanin mo ng mura yung provider mo at lahat ng makakasalubong mo sinisimangutan o sinusungitan mo. Badtrip ka na, nandamay ka pa. Eh di waw! Nawawala na yung konsepto ng open-mindedness at purong kababawan na lang ang naghahari sa earth.
           Simple lang naman talaga ang buhay, at tao lang din ang nagpapakumplikado. Hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo. Kahit gano ma pa kagusto ang isang bagay, kung hindi mo man makuha ngayon, kunin mo bukas. Namiss mo yung episode sa paborito mong teleserye, isearch mo sa youtube. Hirap kang mag-stream kasi mabagal ang smart, punta ka ng net shop. Nakakadisappoint, nakakawala ng pasensya, pero wala kang mabibiling supply ng patience sa mall. Tipirin mo kung anong meron ka. Matuto kang huminga ng malalim para malamigan ng hangin ang umiinit mo ng ulo. At hindi ka anime kaya tanggalin mo yang angry veins sa noo mo. Pakiusap lang, wag mo ng istress ang sarili mo para lang magalit sa ibang walang kaalam-alam sa nangyayaring topak sayo. Kung galit ka sa mundo, magkulong ka sa kwarto, ilabas mo yung boodoo doll mo at tusok-tusukin mo ng karayom habang kumakanta ka ng praise and worship. And please wag mong kalimutang maglock ng pinto.
            Laging panalo sakin ang ice cream and chocolate pampakalma. Bukod sa nagtatapon ako ng pera sa national bookstore para lang bumili ng librong isusumpa mo pagkatapos, madaling makapagpalamig ng ulo ang isang galong ice cream o isang buong bar ng Cadbury. Parang lahat ay tahimik at mapayapa. Parang napakasarap mabuhay sa mundong ibabaw. (Ba't bigla ako'ng nagcrave sa siomai?) Ito na yung tipong kahit mga guard o pulubi gusto mong ngitian. o lahat ng street children gusto mong ampunin. Okay, so exaggerated nga ako, pero maraming paraan para maibsan ang init ng ulo. Gawin mo, hindi para sa ibang tao, kundi para sakin. Stress ako sayo eh.
             Massage deluxe, shopping spree, out of town vacation, o kahit simpleng movie marathon with isang sako ng french fries, di ba ansarap? Heaven! This is life! Pero maappreciate mo ba yang mga luxury na iyan kung wala kang naranasang stress? kung di ka naburn out sa work? Malamang hindi. Kumbaga, sakto lang. Sa facebook emoticon, feeling meh. Ang buhay natin ay isang dambuhalang chocolate. Mapait talaga. Pero kung alam nating sumabay sa tamang proseso ng buhay, at may gabay ng pinakamagaling na patissiere sa lahat, sa tamang timpla lang, magiging makulay at exciting ang laman ng autobiography mo.


No comments:

Post a Comment