Nahiya ako sa sarili ko nung binisita
ko yung account ko sa wattpad. Medyo dumami pala yung nakabasa nung mga stories
na pinublish ko dun samantalang nung elementary ko pa ginawa yung mga yun. Omo! Buti na lang ibang pen name pa gamit ko. Kaso sayang talaga. Di ko na
mapapakinabangan yung mga stories na yun. Wala na silang credibility. nehehe.
Andun pa man din yung stories ng mga taong malapit sa akin. Dun ko
pinaglove-team si Kuya Nat at Mel na awkward pala sa isa't-sa. *note: Dalawang
beses ko silang pinagloveteam, di ko alam kung anong pinaglalaban ko. Ginawa
kong monster na matakaw si Kulot at magaling na chef ang galawgaw na si Joniel (na hindi ako kilala sa tunay na buhay) :3 Di kasi ako nag-iisip, publish
lang ako ng publish, ni hindi ko man lang nireview ng maigi. Buti wala'ng mga
nanlait. haha.
Ha'ay! Bahala na kung sumakit ang mga
mata nila sa kakabasa nung mga corny kung kwento. Ginusto nila yun. *evil
laugh* Gagawa na lang siguro ako ng bago'ng account. Yung medyo matino. Again,
"medyo" lang. Maka-react naman kayo. Pero, mmm... tsaka na siguro.
Nakakatamad. Mabagal ang internet. Tsaka, masyado nang madami dun. Ubos na ang mga ideya. Gasgas na ang mga pick up lines. Wala na sa dictionary si originality.
Dadaan na sa tenga ko ang dugong galing sa utak ko pero malabo nang makaisip
ako ng kwento'ng wala pang kahit sinong sumulat. Nabuhay si Shakespeare at
Allan Poe nung unang panahon at ininvade ang mundo ng creativity. Gumawa sila
ng mga kwentong susukuan ng brain cells ko. Sila nah! Sila na talagah!! Haha
Nawindang ako sa biglang sikat ng
wattpad sa earth. Sumasakit ulo ko pag bumibisita ako sa national bookstore.
Dati si Bob Ong at Sonia F lang hinahalukay ko dun. Ngayon, mas lumalim yung
kailangan kung halukayin kasi natabunan na sila pareho nina haveyouseenthisgirl
at alessana marie. At grabe naman yung My Facebook boyfriend, parang masakit sa
loob ni author na lagyan ng ending yung kwento. Di pa tapos sa book 4. Sa
sobrang atat kong tapusin yung story, dalawang book 4 yung nabili ko. Whooh!
Grabe! Sarap kumanta ng praise and worship. Ibalik nyo 200 ko huhu. Spell sawi?
Eh di c-h-a-r-m. haha
Dahil tuloy sa wattpad, nauso
ang Reid Alert. Si James Reid na parang sculptured ang mukha. Ang bait ng Diyos
sayo beh, Pinagpuyatan ka siguro'ng gawin. Di tulad namin, nirush, lols. Sorry
sa mga kathniel fans, kahit mas magaling umarte sina kathrine at daniel,
mas masarap subaybayan ang love team ni nads at james. Kailangang malaman ng
mga kageneration ko, (daw) kung magkakadevelopan yung dalawa. Pag nangyari yun,
eh di kudos for cutie cupid. Magaling talagang gumawa ng love story si Daddy
Faithful. Mana ako sa kanya. mwahaha. Sa mga behind the scenes nila, mas
nakakatawa kesa nakakakilig. Si James, tulog ng tulog, si Nads, kain ng kain.
Bagay!!!!
Balang araw, makikita ko din yang dalawang yan sa personal. Itaga nyo
sa kamote cue.
Nakakatawa kasi nagagawa ko
pa din palang magfan girl. Matagal na kasi ako'ng nakipagsplit sa tv namin.
Mula pa nung college. Di ko nga akalaing makakamove on pa ako. Nung elementary
at high school kasi ako, kabisado ko ang sequence sa airtime ng mga palabas sa
lahat ng channels. Gifted ko no? Tama ka, adik ako sa tv. Pero madami din naman
ako'ng natutunan. Dun ko nakuha ang love for literature. (bukod kay Ma'am
Tuesday). Dun ko din nakilala sila Rico Yan, Harry Potter, Jun Matsumuto at
Ikuta Toma. Dahil sa tv nakilala ko ang soulmate ko. Si Luffy ng One Piece.
Grabe kayo, di naman ako
pathetic. Kung di lang ako mahiyain, papadalhan ko talaga ng love letter si Oda
para palitan na lang yung pangalan ni Boa Hancock ng Charm Hancock. Feeling ko
kasi sila pa rin ang magkakatuluyan. Indenial lang si Luffy.
Matino pa ang pag-iisip ko.
May sapi lang siguro ang keyboard ko. Wag ka na lang maingay. Kasi matutulog na
ako. Oyasuminasai!

No comments:
Post a Comment