Tuesday, November 17, 2015

Mr. Valentino

Puso ko'ng pinana ni kupido,
Dating manhid, ngayo'y sumisikdo;
Pagsilay sa kariktang tulad ginto,
Sumilip ang liwanag na dating nagtago.

Ngiting taglay, kaysarap titigan.
Ang baong lumbay, tuluyang iniwan.
Ikaw man, o dilag, ang laging masilayan,
Ngingiti ang langit ng pusong pihikan.

Bulong ng labi'y biglang musika;
halimuyak na rosas, iyo nga nagmula.
Di maipaliwanag ang kaguluhan sa diwa;
Namumulang pisngi't nalulunod sa tuwa.

Tinta ng panulat ang aking sandata;
Lilikha ng awit, bibigkasng tula.
Upang yaring pag-ibig ko'ng inaadya,
Tatanggaping maluwat ng aking diwata.

Sa araw na takda, mga pusong nagdiriwang;
Gabay ko'y ang hangin,panata'y pagliyag.
Sa prinsesang yuming walang pagsidlan,
Ang caballero mo'ng lingkod,
Umaamot ng pagmamahal.

No comments:

Post a Comment