Narealize ko’ng journal pala to at hindi wattpad. Kaya tama na muna ang mga kwento’ng nag-aantay pa rin ng ending. Kailangan ko rin palang magsalita. Magsulat ng kahit ano lang. Ewan kung ba’t gumawa pa ako neto eh mas komportable ako sa papel at bolpen. Mas malaya, mas pribado. Pero aaminin ko’ng dahil sa isang tao kaya ko ginawa ang account na’to. At dahil din sa taong yun kung bakit di ko na pinapansin ang facebook ko. Kung ano ang ginawa ng taong yun at na-iinspire niya ako’ng magsulat, wala ako’ng ideya. Pero siya lang ang nakapagparamdam sa akin ng ganito. Dahil sa kanya, natuto ulit akong mangarap. Ang mabuhay sa panaginip at lumipad sa mahika na gawa ng mga salita.
Para sa iba para’ng napakadali’ng magsulat. Yun din ang paniniwala ko noon. Ang akala ng mga kaklase ko nung hayskul, sisiw lang sa akin ang pagsusulat. Essay man yan, tula, maikling kwento o kahit nobela pa. Akala nila, magaling ako. Akala nila kayang-kaya ko. Akala lang nila yun. Di nila alam na mas kaya nila ako’ng higitan kung sisipagin lang sila. Dahil sa pamantayan ng literatura, wala yan sa galing mo sa grammar, sa diction, o sa dami ng figure of speech na alam mo. Nakabase yun sa kung ano ang sasabihin mo. At dun ako mahina. Puro lang ako kwento. Purong imahinasyon. Panaginip. Dahil kung sa tunay na buhay na ang tema, wala ako’ng alam sabihin.
Iniisip ko noon kung paano ako natutong magsalita. Hinahanap ko yung bata’ng madaldal dun sa voice recorder na tinago ng mama ko na nagyayabang sa galing sa pag-spell. Iniisip ko kung gano kaliit ang vocal cords ko na minsan parang walang nakakarinig ng sinasabi ko. Parang kailangan ko’ng magdala ng mic san man ako pumunta. At minsan, iniisip ko kung kelan pa bumaba ng ganito ang self-steem ko. Ito rin siguro ang dahilan kung ba’t ko minahal ang pagsusulat. Sa mga kwento ko, di ako nauuhaw sa salita. Naipaparating ko ng malinaw ang mga gusto ko’ng sabihin. Di ko kailangan ng mic, at lalong di mo kailangang mag-alala na baka mabulol ka, mamispronounced ang isang salita o tumalsik ang laway mo. Iniisip ko din kung san pinatutunguhan nito’ng tema ko. Pero ang point ko, hindi ko talento ang pagsusulat. Hindi ako ang pinili nito, kundi ako ang pumili dito. Iniimagine ko si Lord habang sinasabi, “nak, dapat dun ka sa teatro at umaarte. Pinareserve na kita ng star sa hollywood” pero siyempre, ngingitian ko lang si Lord, at sasabihing, “Dito na lang ako Daddy Faithful, gagawan pa kita ng isang milyong love letter.”
Minsan, dahil sa pabagu-bago’ng priorities, may mga panaho’ng gusto ko ng baliin yung ballpen ko. Wala na ako’ng natatapos sa lahat ng mga inumpisahan ko. Pag malapit na ako sa gitna, biglang mawawala yung inspirasyon, sabay pagbasa nung unang bahagi, mawawalan ako ng kumpiyansa at kikiwestiyoni’ng muli ang sarili kung marunong ba talaga ako’ng magsulat? Mapupunta na sa iba ang atensyon ko. Maiiwang nakatiwangwang ang kwaderno at patuloy na mag-aantay ang mga tauhan sa kwento kung ano na ang mangyayari sa kapalaran nila. Magkakamot na lang sa ulo yung bida’ng lalaki dahil ni hindi man lang nakakahalik sa bida’ng babae. Hanggang pa-cute lang siya sa kwento, pero heto’t tinotopak na agad yung writer. Well, pasensya sila. NBSB ang nanay nila, kaya tiis-tiis muna. Pasasaan ba’t makakalasap din sila ng happy ending.
******************************
Ayoko’ng mainlove sa taong yun. Sabi ko sa sarili ko. Bilanggo siya ng ala-ala at ayaw niyang umahon sa kalungkutan. Sa mga tula niya, parang ni ayaw niya ng huminga. Naghihintay lang ng bawat araw na dadating, patuloy na umaasa’ng mauuwi rin sila sa happy ending.. ayoko’ng mainlove sa taong yun. Dahil ako rin ang kawawa pag nagkataon. Masakit pa mandin maging rebound.
Akala ko sa fiction lang nangyayari yung ganun. Narealize ko kung gaano ako ka-inosente sa mundo ni cupid. Hindi pala exaggeration ng mga nobelista ang makaramdam ng ganun kasidhing emosyon ang isang tao. Kung di ko pa sya nakilala, patuloy siguro ako’ng mabubulag. Alam ko’ng may nakilala na ako’ng tulad niya kung magmahal. Siya yung first love ko pero tulad ng cliche na sa mga kwento, iba ang nagustuhan niya. Lahat ng barkada tinawag siyang perfect boyfriend at muntik pa siyang tawagan ng guiness sa pagiging most loyal. Lahat humanga sa tindi niyang magmahal. Ako din naman naramdaman yun, may kasama nga lang bitterness yung sakin. Sa kaibuturan ng puso ko, hiniling ko’ng sana kahit ituring niya man lang ako’ng malapit na kaibigan. Yung pwede pa rin kami’ng magpalitan ng quotes sa text. O punuin ng witty comments ang post ng isa’t-isa sa fb. Pero kahit yun, pinagkait niya sakin. Nalungkot ako pero pinsalamatan ko rin siya sa huli. Dahil dun, alam kong nakamove on nako, pero si ano kaya…
Siguro nga masyado pang maaga. Sariwa pa ang mga sugat niya. Ang kailangan ng taong ito ay hindi alak o panibagong pag-ibig. Kundi mapagpalang kamay na hahagod sa napapagal niyang puso.
Siyempre hindi ako ang taong yun. Pero aabangan ko ang pag-ahon niya sa ilog ng kalungkutan.
At habang nagbiblink yung cursor sa microsoft word na gamit ko, iniisip ko kung ipapublish ko ba to? Sana hindi niya mabasa.
